Entry of Judgement ng Supreme Court sa coco levy, pinuri ng mga Magsasaka

Unang-una nagpapasalamat tayo sa Panginoong Diyos dahil binigyan niya at pinatnubayan ang desisyon ng mga mahistrado sa Korte Suprema sapagkat sa pagkalipas ng 2 taon na paghihintay ng mga magsasaka na mabigyan ng entry of judgement itong usapin ng coco levy upang ito’y magamit na ng mga magsasaka sa niyugan ay sa wakas nabigyan din ng hatol at sa wakas magagamit na ito ng mga magsasaka ng niyog sa buong Pilipinas.

Sa ngalan ng Kilusan para sa Ugnayan ng mga Samahang Magniniyog (Kilus Magniniyog), ako po si Ireneo Cerilla – sa bahagi po ng PAKISAMA, sapagkat kami po ay bahagi ng Kilus Magniniyog – kami po ay nagpapasalamat sa mga mahistrado na nagdesisyon ukol dito na pabor sa mga magsasaka ng niyog na naghihirap naroon sa kanayunan.

Pangalawa, nagpapasalamat po kami sa lahat ng tumulong sa kampanyang ito (KM71/Martsa ng 71 magniniyog mula Davao City) – mula sa simbahan, sa lokal na pamahalaan, sa mga kapwa ko magsasaka na nadaanan habang naglalakad itong Kilus Magniniyog mula Mindanao patungong Manila – kami po ay nagpapasalamat.

Ako po ay nananawagan na sana po ay magsama-sama tayo para pagplanuhan natin ang kaunlarang pangkanayunan at pang-niyugan na pwede nating itaguyod upang makamit na natin ang kaunlaran doon sa ilalim ng niyugan. Paunlarin natin ang niyog pati na ang magniniyog doon sa kanayunan para ito ay makatulong sa pagtaas ng ekonomiya nitong ating bansa sa kalaunan.

Yun lamang at magandang hapon!

Ireneo R. Cerilla
President
Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA)

Share

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *