Ano ang Pampublikong Pagbili ng Gamit?
Ang pampublikong pagbili ng gamit ay tumutukoy sa proseso na kung saan ang mga ahensiya ng gobyerno ay umibili o nagbabayad ng mga gamit o serbisyo upang maisakatuparan nito ang kanyang araw-araw na tungkulin upang maglingkod sa sambayanan. Responsibilidad ng gobyerno na bumili, umupa, o tiyakin na ang mga gamit o serbisyo ay sapat sa implementasyon ng kanyang mga programa. Sa simpleng salita, tinutulungan ang gobyerno na magampanan ang kanyang tungkulin sa pamamagitan ng pampublikong pagbili ng gamit o serbisyo. Samantala, higit dito, may mga umuusbong na bagong papel nito bilang instrumento sa (1) pagtulong sa pamahalaan na maabot ang mga layuning pangkaunlaran tulad ng proteksyon sa kalikasan, kaseguruhan sa pagkain at sa pagbaka sa kahirapan, at (2) pagtulong sa mga maliliit na magsasakang babae at lalaki upang organisahin ang kanilang sarili upang iangat ang kanilang kapasidad sa pakikipag-harap sa gobyerno, sa pagtitiyak na may seguradong bibili ng kanilang ani, at sa pag-aangat ng kanilang kita at pamumuhay.
Issue Paper: Paano Gawing Maka-pampamilyang Sakahang Asyano ang Programang Paggugol ng Gobyerno